作曲 : Dom Guyot/Jolianne
Wala bang diwa ang gabi?
Na tayo’y magkatabing tumatawa ng sabay
Hawak ko ang iyong kamay
At sayo’y nakahimlay
Wala bang diwa ang tingin?
Ang pagsulyap mong madiin
Pinagmasdan ang iyong mukha
Kitang kita sa mata
Ayaw mokong mawala
Oh kaibigan lang ba?
Pag may nararamdaman, bat di mo pa sabihin?
Pag may konti mang kislap, wag mo namang ilihim
Pag ang puso’y may tula, gawin mo nang awitin
Pag may konting nadama, ako’y kakapit
Bakit hindi mo ba talaga kayang aminin?
Aminin
O ako lang ba ang mayroon
Palihim na pagtingin?
Oh hindi na natauhan
Hanggang puso’y maubusan
Ba’t sinimulan? Ba’t pinadama
Kung bibitawan lang pala?
Lumalapit tas aalis, anong gustong iparating?
Kahit ano pang gagawin, kita naman sa iyong tingin
Isang salita, di mo magawa
Oh hanggang dito lang ba?
Pag may nararamdaman, bat di mo pa sabihin?
Pag may konti mang kislap, wag mo namang ilihim
Pag ang puso’y may tula, gawin mo nang awitin
Pag may konting nadama, ako’y kakapit
Bakit hindi mo ba talaga kayang aminin?
Aminin
O ako lang ba ang mayroong
Palihim na pagtingin?
Pag ikaw lang magisa, di mo ba iniisip
Na ako lang ang gusto mong makapiling
Oh kung ang puso ko’y kukunin at sisilipin
Malalaman mo na ikaw lang ang hangarin
At kung ako naman ang maunang umamin
Tatanggapin mo ba ng kusa ang damdamin
Pag susubukan natin ang sadyang umibig
Araw-araw kitang pipiliin
