作词 : Martin Gabriel Tilaon
作曲 : Martin Gabriel Tilaon/Cody De Leon/Reyn Ortiz
Sabay ng pagpatak ng mga luha ko, naging malinaw ang lahat...
...na para maramdaman ko ang pag-ahon, kailangan ko munang malunod—
malunod sa sakit na dulot ng iyong panlilinlang,
malunod sa mali kong desisyon na ika'y pagpasensyahan,
malunod sa pagod na dala ng iyong kataksilan.
Ngayon, makikitang mong ginhawa ang kapalit ng iyong pag-alis.
Kung gaganti man itong puso ko,
magiging tahimik, matatag, malinis.
Kaya bitbit ang hapdi, pakakawalan kita.
At sa pagsara ko ng ating pinto,
alam kong dito papasok
ang higit na tama
at higit sa lahat,
totoo.
Hook:
Oh akala mo na, hindi ko kayang wala ka
Eh pano ba yan, mag isa man ay gumana
Baby dyan ka nagkakamali,
Mga sugat ay tiniis, kapalit ng dulot mong hapdi
Verse:
Di ko na kailangan na sabihan pa z
Mga dahilan para umalis kana
Napapansin mo ba? nasakatan narin ako
Kada kayo nagkatitignan
Tingnan mo rin ako kung ano aking kinalalagyan
Nakalimutan mo nabang may tayo?
Bago ka lumandi saking harapan
Dahan dahan narin pangloob ko ay lumalabo
Nalang mga litrato nating dalawa
Pinalit mo saakin na mahina at patapon
Kelan ka na ba mag tatanda? Hindi mo ba naiisip
yong mga pinagagagawa
Siguro panahon na ang tumatakda para saakin
Maghanda sa kung anong parating
Malaking sugat sa pusong ang mang yayanig
Sa kung anong gusto ko na maging
DYCO:
Pano kung masakit, hindi ko na nga lahat mabawi,
Asta mong puro pakabig, grabe tindi mo pala mag panipis ng wallet,
Bale wala rin, ang balik saakin, gabi gabi ako na tulala,
Mabisang patalim, ganun na kalalim, bigat ng iyong pinag gagagawa
Gustong gumanti, ngunit makakasira lamang ito saking sintido kumon
Bulong dumaplis, buti na nga lang at nakinig, di nag paagos sa lakas ng kumunoy
Halika't tumuloy, na, di na para mag isip ng positibo
Bina-balibag, baligtad ko lang gets mo na ba yung punto
Lam kong mahina, para mapatumba, aking enerhiya,
Wag mo naman isipin na merong malisya (mali sa)
Pinarating ko lang sa iyo, na hindi na kita kailangan pa dito sa buhay ko kaya pwede ka na umalis
Hook:
Oh akala mo na, hindi ko kayang wala ka
Eh pano ba yan, mag isa man ay gumana
Baby dyan ka nagkakamali,
ga sugat ay tiniis, kapalit ng dulot mong hapdi
